Growing Bari on the field

Right size to transplant – No need to rush transplanting. ideal daw na size ay kapag umabot na ng tuhod or at least one meter tall. hindi na daw mahirap alagaan ang ganyan. ang ganyang size ay 3yrs na.

  1. The hole. kaya naggawa tayo ng hole na pagtaniman na bigger sa size ng seedlings bags para may room ang mga roots makagalaw. Recommended hole is 40cm x 40cm x40cm for a 60cm or more less height of the seedlings. medyo malambot ang pangtabon sa hole. kapag ibabalik na ang soil na galing sa hole ay haluan ng mga organic materials as fertilizer. nagsasama ako ng egg shells sa soil na halo. compost din. note na ayaw ni bari ng buhaghag na soil. clay soil ang gusto niya. yong kapit sa ugat or balot ng lupa si ugat. dahil kapag na exposed si ugat maari na siyang mamatay. ayaw niya rin ng strong winds. yong nagagalaw siya. may mga sensitive secondary roots siya aside from the tap root.
  2. Watering – Bari loves water. matakaw siya sa tubig. di siya pwedeng matuyuan. morning and afternoon ang dilig namin kung mainit masyado ang area.
  3. Fertilizer – kapag may nahulog na dahon, sign yan na need ng fertilizer. napunta ako sa palengke para mamulot ng balat ng sibuyas. balat ng banana. i bought sack of soya din. di ko na mai suggest ang dumi ng baka or manok kasi may mga bacteria ang mga ito na nakakasira ng mga small seedlings ng bari. kung big na sila, pwede na ang dumi ng baka at manok. yet dapat matunaw si dumi sa drum ng tubig muna bago idilig. sa dumi ng baka nanggagaling ang borer na makamatay sa seedlings. pero kapag big na ang trunk need mo siya for natural inoculation.
  4. Sunlight exposure – kapag bagong transplant, dapat hindi siya exposed sa strong sunlight. nasusunog ang young leaves. remember na si bari ay secondary species. need ng shading on her first 3 years of growing.
  5. Yellow leaves – kapag nakita mo siya, medyo bantayan mo siya, yellow leaves is a sign of Nitrogen deficiency, mulching with organic matter (such as rotted garden compost or manure) provides a steady trickle of nitrogen to stabilise levels. Fertigation with coffee ground is one of the best solution. Fermented juice of soy beans, wood ash, compost, manure, grass clippings, plant legumes, molasses and other organic matters.
  6. Falling leaves – kapag nalagas ang leaves niya. pwede pa naman siyang mag sprout ulit ng new leaves just keep on watering her. and check by cutting the tip of stem kung tuyo. kung fresh pa, mataas ang percentage na mag sprout pa.
  7. Critical growing stage – 2years after ma out plant si bari bago ma established ang rooting system niya.
  8. Healthy plant – ang barometer ko on checking kung she is healthy is dapat lagi siyang may new sprouts. maski matagal na siyang tanim kapag walang sprouts ay mag alala ka.
Spread the love